-- ADVERTISEMENT --
Nakatanggap ng mahigit 1,000 mga sumbong mula sa publiko ang inilunsad na “Sumbong sa Pangulo” website.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na mula Agosto 11 hanggang 13 ay mayroong 1,148 na reports, 823 feedbacks at 84,892 na kabuuang views.
Nitong Lunes ng inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nasabing websites bilang bahagi ng imbestigasyon ng gobyerno sa mga ma-anomalyang flood control projects sa bansa na nagresulta sa malawakang pagbaha sa maraming lugar sa bansa.
Sa nasabing websites ay maaaring magpadala ng mga larawan at videos sa mga kalagayan ng flood control projects sa kanilang mga lugar.