-- ADVERTISEMENT --

Maglulunsad ang Commission on Elections (COMELEC) ng imbestigasyon na may kinalaman sa mga donasyon ng mga kontratista ng gobyerno sa mga tumakbong kandidato.

Kasunod ito sa pagbunyag ng ilang mambabatas na nakatanggap umano ng mga campaign funds ang ilang kandidato mula sa pangulo ng isang construction company.


Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na sesentro ang imbestigasyon ukol sa nasabing mga alegasyon at ibabase ito sa pag-amin ng ilang mga opisyal.


Subalit paglilinaw niya na nakasaad sa Section 95 ng Omnibus Election Code na ang mga contributos o donors ang siyang papanagutin.


Umaasa din si Garcia na mayroong magbibigay ng mga dokumento para makatulong sa daloy ng imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --