Inanunsyo ng TV host-actress na si Kris Aquino na siya ay sasailalim sa anim na buwang preventive isolation matapos lumala ang kanyang autoimmune diseases.
Sa pamamagitan ng isang Instagram video, ibinahagi ni Kris ang kanyang patuloy na gamutan at ang matapang na desisyong harapin ang mas agresibong treatment.
‘On purpose matagal akong hindi nag upload. I have to admit if i told you what was happening, some of you may stop praying because my autoimmune diseases were increasing in number & my life threatening ailments needed me to make a brave choice,’ pagbabahagi ni Kris.
‘Trust me it’s difficult to accept every night when i sleep that there may be no tomorrow for me,’ dagdag pa sa post.
Batay pa kay Kris, kailangang tuluyang pahinain ng mga gamot ang kanyang immune system, kaya’t maninirahan muna siya sa kanilang compound sa Tarlac.
‘I’ll live in our compound in Tarlac; my Cojuangco cousins and i fondly call it Alto,’ ani Kris.
Kasama niya sa proseso ang anak na si Bimby, habang si Joshua ay pansamantalang nasa pangangalaga ng isang kamag-anak.
Nagpasalamat din si Kris sa kanyang mga doktor, nurse, at tagasuporta, at humiling ng patuloy na dasal habang ipinagpapatuloy niya ang laban para sa kanyang kalusugan.
‘Thank you to both Makati Med and St Luke’s BGC, my doctors, their fellows & residents, the nurses assigned to me in the hospitals, my personal nurses, the many skilled technicians operating the high tech machinery, and all who continue to believe gagaling pa rin ako. #tuloyanglaban,’ post pa ng aktres.