-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng pagkabahala ang United Nations sa plano ng Israel na sakupin na ng lubusan ang Gaza.

Sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres na ang nasabing plano ay mas ikakapahamak pa ng mga natitirang bihag.

Hanggang sa kasalukuyan ay nakakadama ng labis na kagutuman at pagkatakot ang mga Palestino naninirahan sa Gaza.

Hinikayat na lamang nito ang Israel na sumunod na lamang sa kung ano ang ipinapatupad sa international law.

Dahil dito ay magsasagawa ng emergency meeting ang UN sa nasabing usapin.

-- ADVERTISEMENT --

Una ng sinabi ng rebeldeng grupo na Hamas na napakadelikado ang balakin na nagpapatunay na isasakripisyo nila ang buhay ng mga bihag.

Nilinaw naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi nila kukunin ang nasabing Gaza at sa halip ay ipapapsakamay nila ito sa mga Arab nations.