-- ADVERTISEMENT --

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magsagawa muna ng konsultasyon sa iba’t-ibang sektor ukol sa panukalang tuluyang pagbabawal ng online gambling.

Ayon sa Pangulo, nais munang marinig ng gobyerno ang pananaw ng mga iba’t-ibang stake holders gaya ng mga pari at magulang lalo na at mga kabataan ang nalululon sa online gambling.

Dagdag pa nito na kailangan muna nila ng bumuo ng polisiya kung ano ang dapat na gawin sa online gambling.

Inamin nito na sinimulan na niyang mag-organisa para sa gagawing kumperensya sa lahat ng stakeholders.

Nais malaman ng pangulo kung i-regulate ito ay sino ang mamumumo at kapag tuluyang mapagbawal ay tiyak na magkakaroon ng underground.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang maraming mga mambabatas na ang nanawagan na dapat ay tuluyan ng ipagbawal ang online gambling dahil sa maraming buhay at pamilya na ang sinira nito.