-- ADVERTISEMENT --

Napanatili ng limang tinaguirang pinakamayamang tao sa bansa ang kanilang puwesto sa Forbes list of Philippines 50 richest for 2025.

Nasa unang puwesto ang magkapatid na Sy na binubuo nina Teresita, Elizabeth, Henry Jr, Hans, Herbert at Harley.

Mayroong tinatayang yaman ang mga ito ng $11.8 bilyon.

Habang nasa pangalawang puwesto si casino tycoon Enrique Razon Jr na may tinatayang yaman na $11.5-B.

Nalusutan ni Razon si real estate magnate Manuel Villar na nasa pangatlong puwesto na ngayon na mayroong net worth na $11-B.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Agosto 7 ay si Villar lamang ang tanging Pinoy na nakapasok sa Top 100 ng Bloomberg Billionaires Index isang arawang ranking ng pinakamayang tao sa mundo kung saan nasa pang 99 si Villar.

Habang nasa pang-apat na puwesto si Ramon Ang na may net worth na $3.75-B at pang-lima naman si Isidrio Consunji na may tinatayang networth na $3.6-B.

Sa pang-anim na puwesto ay si Que Azcona family ng Mercury Drugs na may yaman na $3.6-B.

Habang si Zobel de Ayala ay nasa pang-pitong puwesto na mayroong net worth na $3.4-B na sinundan ni Lucio Tan nasa pang-walong puwesto na may networth na $3.2-B.

Sa pang-siyam na puwesto ay si Lucio at Susan Co ng Puregold na may networth na $3-B at Tony Tan Caktiong ng Asian Food sa pang-10 puwesto na mayroong net worth na $2.9-B.