-- ADVERTISEMENT --

Maaring ituloy na ng Commission on Election (COMELEC) ang national voter registration sa Oktubre dahil sa inaasahang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) ngayong taon.

Sinabi ni COMELEC chiarman George Garcia, na kapag maipagpaliban ang halalan sa Disyembre 1 at magigign Nobyembre 2026 ay kanilang bubuksan ang registration pagkatapos ng Bangsamoro Parliamentary Election.

Itinuturing nito na pinakamahabang voter registration mula Oktubre 2025 hanggagn Hulyo 2026.

Magugunitang inabisuhan na ng Malacanang ang COMELEC na nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Agosto 12 ang panukalang pagpapaliban ng halalan.

-- ADVERTISEMENT --