Pinaalalahan ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau ang mga motorista sa posibleng taas presyo sa mga produktong krudo at gasolina sa sususnod na Linggo.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang dagdag singil ay bunsod sa naging sanctions sa mga sellers ng Russian at Iranian oil.
Mataas kasi ang demand ngayon ng krudo sa Estados Unidos lalo na’t driving season ngayon sa naturang bansa.
Isa namang nakikita pang dahilan ay ang paghina ng piso kontra sa dolyar sa foreign exchange.
Samantala, inaasahan naman na magiging epektibo ang dagdag singil sa mga naturang produkto pagdating sa Martes, Agosto 5 kung saan tataas ng higit P1.70-P1.90/litro ang taas presyo sa gasolina, P1.00-P1.20/litro naman ang sa diesel hbang P0.80-P1.20/litro naman ang para sa kerosene.