Kinumpira ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na wala na hindi na konektado sa kanilang opisina sina Health Undersecretaries Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, CESO II; Achilles Gerard Bravo, CESO, II; at Dr. Kenneth Ronquillo, CESO III.
Ang mga ito ay tinanggal na mula sa Executive Committee (Execom) na pinamumunuan ni Health Secretary Teodoro Herbosa kasama ang kaniyang mga undersecretaries at assistant secretaries.
Kinumpirma ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo ang nasabingp balita subalit hindi na ito nagbigay ng ibang mga detalye.
Dagdag pa ni Domingo na naging personal umano ang kanilang desisyon na lumisan sa DOH.
Kasabay din nito ay mayroong ibang mga bagong appointment na kinabibilangan ni Dr. Gregorio Murillo Jr na dating alkalde ng Tago, Surigao del Sur na siyang itinalaga bilang undersecretary for health facilities enhancement and infrastructure management and special concerns.