Asahan ng mga motorista ang taas-baba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa huling linggo ng buwan ng Hulyo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), inaasahang magkakaroon ng rollback na 10 sentimo sa kada litro ng gasolina.
Habang sa kerosene at diesel naman maaaring tumaas ng humigit kumulang 30 sentimo at 50 sentimo kada litro.
Sa inilabas na abiso, ipinaliwanag ni Energy-Oil Industry Management Bureau director Rodela Romero na malaking nakaapekto sa paggalaw sa presyo ng langis ang geopolitical events at mga walang katiyakan sa polisiya ng US trade.
Inaasahan naman na ang trading nitong Biyernes ang magdedetermina sa pinal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahang iaanunsiyo sa araw ng Lunes at ipapatupad naman sa araw ng Martes, Hulyo 29.