-- ADVERTISEMENT --

Inilabas na ng Kataastaasang Hukuman ang naging resulta sa ginanap na Shari’ah Special Bar Examinations 2025.

Matapos ang ilang beses ng pagkansela dulot ng masamang lagay ng panahon, itinuloy na ng Korte Suprema na ianunsyo ang naturang resulta.

Sa pangunguna ni Associate Justice Antonio T. Kho Jr, kanyang inihayag ang bilang ng mga napakasang examinees.

Kung saan 154 ang nakapasa mula sa 629 kumuha nito noong buwan ng Mayo sa kaunaunahang fully dgitalized special examinations.

Kaya’t nagbunga sa 24.28% na passing percentage rate sa kabuuan bilang ng mga pumasang bagong Shari’ah Councilors.

-- ADVERTISEMENT --

Kasama sa kanyang mga inanunsyo ay ang nakatakdang petsa ng Oath taling at Roll Signing Ceremonies na siyang gaganapin naman sa buwan ng Agosto, taong kasalukuyan.