-- ADVERTISEMENT --
Binigyang linaw ng Kataastaasang Hukuman na hindi pa rin ‘absuelto’ si Vice President Sara Duterte hinggil sa kanyang mga kinakaharap na ‘charges’ o reklamo.
Bunsod ito ng ideklara ng Korte Suprema na ‘unconstitutional’ ang ‘Articles of Impeachment’ ng House of Representatives laban sa ikalawang pangulo ng bansa.
Ayon kay Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting, tanging ang ‘Articles of Impeachment’ ang nadeklarang ‘unconstitutional’ o ‘null and void’ dahil sa paglabag sa ‘1 year rule’ at pagkilala sa ‘rights to due process’.
Ang naturang paglilinaw o video ay mula sa isinagawang anunsyo ng naturang tagapagsalita ng Korte Suprema kahapon ng Biyernes, ika-25 ng 2025.
(Video Courtesy: Supreme Court PH)