Kinumpirma ni US President Donald Trump na nasa 19% tariff ang kanilang ipinataw sa Pilipinas kung saan isang porsiyento lamang ang binawasan sa orihinal na 20%.
Ito’y matapos magpulong nina Trump at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.Philippine tourism packages
Sa isang social post ni Trump kaniyang inihayag na ang Pilipinas ay magkakaroon ng open market sa United States with zero tariffs.
Gayunpaman nilinaw nito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ang zero tariff rate ay ipapataw sa ilang mga produkto gaya sa automobile.
Sinabi ng Pangulo na hiniling ng US na buksan ang ilang merkado gaya ng merkado sa mga sasakyang gawa sa Amerika.
Nabatid na nasa 30 percent tariff ang ipinapataw ng Pilipinas sa mga 10 seater na sasakyan at 20 percent tariff sa mga bus at trucks.
Ang 19 percent tariff na ipinataw sa Pilipinas ang pangalawa sa pinakamababa sa Southeast Asia sunod ito sa 10 percent tariff na ipinataw sa SIngapore.
Naniniwala naman si Pangulong Marcos na bagamat isang porsiyento lamang ang binawasan ng US sa taripa, maituturing ito na significant achievement.
Giit ng Punong Ehekutibo na binaba ng US ang taripa ito ay dahil mayruong special relationship ang Pilipinas at US.
Bukod sa zero tariffs sa mga automobile products, pumayag ang Pilipinas na bumili ng mas maraming produkto sa United States.
Ayon sa Presidente tataas ang importation ng Pilipinas mula sa Amerika partikular sa mga soy products, wheat products at mga gamot.
Inilarawan naman ni Trump si PBBM bilang isang tough negotiator kaya mas gusto na niya ang Pangulo ngayon at kanila itong nirerespeto.
Sa pulong nina Pang. Marcos at US Pres. Donald Trump mulina nilang pinagtibay ang magandang relasyon ng dalawang bansa at tiniyak na ipagpatuloy ang talakayan sa ipinataw na taripa ng AMerika sa Pilipinas.Philippine tourism packages