-- ADVERTISEMENT --
Pinag-iisipan na ni Atty. Harry Roque, na umuwi na lamang sa bansa at harapin ang kaso.
Sinabi nito na handa niyang harapin at labanan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kahit na ito ay nakakulong.
Hindi kasi nito maatim ang mga nangyayaring anomalya sa pamumuno ni Marcos.
Magugunitang nasa the Netherlands si Roque kung saan naghain ito ng asylum.
Iginiit nito na wala itong kasalanan sa mga ibinibintang ng mga mambabatas na ito ay konektado sa operasyon ng Offshore gaming sa Pampanga.
-- ADVERTISEMENT --