Umabot na sa apat na katao ang naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Crising sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang mga nasawi ay isa sa CARAGA region, dalawa sa Northern Mindanao at isa sa Davao Region.
Patuloy din na inaalam ng NDRRMC ang napaulat na mayroong tatlong katao ang sugatan at apat na iba pa ang nawawala.
Nagtala rin ang NDRRMC na 132,835 na pamilya ang apektado o katumbas ng 420,355 na indibidwal.
Ang MIMAROPA ang labis na naapektuhan na rehiyon sa bansa na mayroong 1,896 na pamilya ang apektado na sinunda ng Region 9 na mayroong 1,519 na pamilya.
Naibalik na rin ang suplay ng kuryente sa karamihang mga lugar na naapektuhan ng nasabing bagyo.
Base rin sa pagtaya ng NDRRMC ay mayroong kabuuang P165-milyon na damyosmula sa imprastraktura.