-- ADVERTISEMENT --

Natanggap na ng pamilya sa Kidapawan City ang kanilang Balikbayan boxes mula Kuwait ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Nabatid na umabot sa tatlong taon bago matanggap ni Alma Rios ang mga padala na inakala nilang nawala na ngunit kinumpirma ni Migrant Secretary Hans Leo Cacdac na ang mga kahon, kasama ng mga kahalintulad na padala para sa dalawa pang pamilya ay naipadala nila sa pamilya.

Paliwanag ng Bureau of Customs (BOC) naantala ang mga kahon dahil sa miscommunication sa pagitan ng freight forwarder sa abroad at ng lokal na courier, at pati na rin ang panloloko ng ilang kompanya.

Dahil dito aniya ay nagsagawa sila ng libreng paghahatid sa mga balikbayan boxes na naabandona sa mga bodega sa Bulacan.

Ang matagumpay na turnover ay bunga ng koordinasyon sa pagitan ng DMW, Bureau of Customs (BOC), at iba pang ahensiya ng gobyerno, kasunod ng paglagda ng Joint Administrative Order at Deed of Donation.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Mayo ngayong taon, halos 3,000 balikbayan boxes na iniwan ng freight forwarders ang inilipat sa DMW para maipamahagi sa mga pamilya ng OFWs.

Bilang tugon, ang DMW ay nagtakda ng patakaran kasama ang BOC at iba pang ahensiya upang masiguro ang maayos, mabilis, at ligtas na paghahatid ng balikbayan boxes.