-- ADVERTISEMENT --

Tutol si Senador Raffy Tulfo na mabasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte hangga’t hindi nagkakaroon ng pagdinig.

Ayon kay Tulfo, dapat na matuloy ang impeachment trial upang mabigyan din ng pagkakataon ang pangalawang pangulo na madepensahan ang kanyang sarili.

Aniya, ito na rin ang pagkakataon upang patunayan ni Duterte na inosente siya laban sa mga reklamong inihain sa kanya.

Samantala, tinabla rin nito ang sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na dapat mapagtibay muna kung mayroong jurisdiction ang 20th Congress sa impeachment case laban kay VP Sara.

Aniya, mayroon ng urisdiction ang Kongreso at hindi na dapat pang pag-usapan ito.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, naghahanda na raw ang senador sa nakaambang impeachment trial na posibleng simulan sa Hulyo 29.

Patuloy daw ang kanyang konsultasyon sa kanyang mga legis at nakikipag-ugnayan na rin siya sa iba pang mga abogado gaya ng mga former justices ng Sandiganbayan at Supreme Court.

Dahil first time niya raw na uupo bilang senator-judge, mahalaga aniya na peparado siya at hindi blanko.

Sa huli, sinabi nito, hindi niya raw nakikita na mayroong ‘delaying tactics’ bagkus ang mahalaga ay magkakaroon na ng impeachment trial.