-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang Japan laban sa sunod-sunod na ginagawang pagpapalipad ng fighter jet ng China mula sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa hanggang sa karagatang pasipiko.

Bilang tugon, nagdeploy ang Japan ng mga military build-up sa mga isla nito sa southwest, kabilang ang pag-deploy ng long-range cruise missiles.

Noong nakaraang buwan din ay nag-test ang Japan ng short-range surface-to-ship missle.

Una nang inaakusahan ng Beijing ang Japan ng pagmamanman umano sa kanilang regular na military exercise na kalaunan ay humihiling na itigil ito.

Pinuna rin ng Japan ang pagtaas ng presensya ng mga barkong pandigma ng China sa kagaratang pasipiko kung saan trumiple umano ang kanilang bilang malapit sa Taiwan at isla ng Yonaguni.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa sa Japan na sa mga nakaraang buwan, nag-operate ang dalawang Chinese aircraft carriers nang sabay sa karagatang pasipiko.

Bukod sa China, binigyang-diin din sa ulat ang patuloy na banta ng North Korea, na anila’y nagde-develop ng nuclear missiles at solid-fuel ICBMs na kayang tumama sa Japan at mainland US, batay sa 534-pahinang ulat, kung saan binigyang-diin din ang lumalalim na ugnayang militar ng China at Russia, at sa lumalalang tensyon sa Taiwan.

Samantala, nagsagawa ng 10-araw na live-fire military drills ang Taiwan para protektahan ang sarili mula sa banta ng pananakop ng China.

Dagdag pa rito, binanggit ang aktibong military operation ng Russia sa paligid ng Japan, kabilang ang paglabag sa Japanese airspace noong Setyembre ng nakaraang taon.