Kinumpirma ng abogado ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. na si Atty. Ferdinand Topacio ang pagdalo ng pisikal bukas sa nakatakda nitong arraignment sa korte.
Kung saan inaasahang haharap mismo ang dating kongresista sa Manila Regional Trial Court Branch 15 sa panibagong arraignment kaugnay sa kasong may kinalaman sa ‘murder’ noong 2019.
Nakatakda siyang dumalo at humarap sa korte sa ganap na 8:30 ng umaga sa Manila RTC Br. 15 mula at galing sa kulungan nito sa Bureau of Jail Mangement and Penology o BJMP Annex 2 sa Bicutan, Taguig City.
Bukod pa ito sa kanyang iba pang mga kinakaharap na kasong may kinalaman sa illegal possesion of firearms and explosives at pagiging sangkot sa pagpatay ng dating gobernador ng Negros Oriental na si Roel Degamo.