-- ADVERTISEMENT --
Nagkampeon sa mens’ single tennis sa Wimbledon si world number 1 Jannik Sinner ng Italy.
Tinalo nito si defending champion Carlos Alcaraz sa score na 4-6, 6-4, 6-4, 6-4 sa laro na tumagal ng tatlong oras at apat na minuto.
Dahil dito ay tinanghal si Sinner na unang italian player na magwagi sa Wimbledon singles title.
Sa unang set ay nakuha ni Alcaraz ang panalo subalit hindi bumitiw ang 23-anyos na si Sinner at tuluyang kinuha ang panalo at putulin ang pangarap ni Alcaraz na makamit ang tatlong magkakasunod na All England Club titles.