Iniutos na ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban kina dating DepEd Secretary Leonor Briones, dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao, at iba pang opisyal ng DepEd at PS-DBM kaugnay sa umano’y P2.4 bilyong overpriced at outdated na laptops para sa mga guro noong 20212.
Lumitaw ang mga kasong graft, falsification of public documents, at perjury, matapos Senate Blue Ribbon Committee investigation at findings ng Commission on Audit (COA).
Ayon sa Ombudsman, ang laptops ay binili sa halagang P58,300 kada unit, malayo sa orihinal na budget na P35,000, at hindi rin pumasa sa technical specifications.
Napag-alamang wala pang pormal na Memorandum of Agreement (MOA) nang isagawa ang procurement, kaya’t itinuturing itong irregular at walang legal na batayan.
Tinukoy ng Ombudsman na ang gobyerno ay nawalan ng halos P979 milyon dahil sa overpricing, at ang mga laptop ay hindi nagamit nang maayos sa online learning ng mga guro.
Maliban kay Briones, kabilang din sa mga pinakakasuhan ay sina DepEd Undersecretaries Annalyn Sevilla, Alain Pascua, at ilang PS-DBM officers gaya nina Jasonmer Uayan at Ulysses Mora.
Nabatid na may mga opisyal ding pinatawan ng preventive suspension at dismissal from service dahil sa grave misconduct at serious dishonesty.