-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang bumiyahe sa US ang economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para makipag-usap kay US President Donald Trump.

Ito ay kasunod ng pagpadala ni Trump ng sulat na nagpapataw ng 20 percent na taripa sa mga produkto ng Pilipinas na magiging epektibo sa Agosto 1.

Sinabi ni Presidential Assistant on Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go na pangungunahan niya ang delegasyon kasama sina Trade Secretary Chris Roque, Secretary Perry Rodolfo at Undersecretary Allan Gepty.

Sinabi ni Go na sa susunod na linggo ang kanilang plano para sa round-table negotiation.

Giit nito na magiging epektibo ang face-to-face na pag-uusap.

-- ADVERTISEMENT --

Gagawin aniya nila ang lahat ng makakaya para mapalambot o mabawasan ang ipinataw na taripa.

Magugunitang binantaan ni Trump ang mga bansa na papatawan nito ng malaking taripa kung hindi sila makikipag-usap ng personal sa kaniya.