-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan si Cardinal Pablo Virgilio David ng pang-unawa at hindi paghusga sa mga nalululong sa online gambilng.

Ayon sa Kalookan Bishop na siya ring dating pangulo ng Catholic Bishop Conference of The Philippines, na gaya noong ipinatupad ng gobyerno ang laban sa droga ay marami sa mga Filipino na itinuturing ang mga drug users bilang sakit sa lipunan.

Dagdag pa nito na gaya ng ilang mga bisyo ay maaring mayroong rason ang mga nalululon sa mga online gambling.

Maari aniyang may pinagdadaanang mabigat ang mga adik sa online gambling kaya marapat na sila ay intindihin.

Magugunitang nanawagan si David sa gobyerno an dapat ay bawalan ang talamak na paglaganap ng mga online gambling dahil marami na ang nasisirang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --