Isang 57-anyos na lalaki ang hinatulan ng tatlong linggong pagkakabilanggo matapos magpakita ng hindi angkop na asal sa loob ng pampublikong tren, bunga umano ng matagal nang emosyonal na paghihirap at tensyon sa kaniyang relasyon.
Ayon sa imbestigasyon, si Cheng Choong Peng ay umamin sa pagkakasala ng public nuisance matapos mahuling nagsarili sa loob ng MRT train noong Mayo 20, 2025.
Sa hindi inaasahang pangyayari, ilang patak ng semilya ang napunta sa pantalon ng isang babaeng pasahero na agad nagsumbong sa pulisya.
Sa kanyang salaysay, inilahad ni Cheng ang patuloy na tensyon sa kanilang pagsasama ng kanyang asawa. Giit niya, madalas siyang tanggihan ng misis kapag siya’y naghahangad ng intimacy, dahilan upang siya’y makaranas ng matinding frustration at pagkabigo. Ang kakulangan sa emosyonal at pisikal na koneksyon ay nagtulak sa kanya na gumawa ng hindi katanggap-tanggap na hakbang sa pampublikong lugar.
Bagamat hindi katanggap-tanggap ang kanyang ginawa, binigyang-diin ng ilang eksperto na maaaring ugat ng insidente ang kakulangan sa mental health support at relationship counseling, partikular para sa mga kalalakihang nahihiyang humingi ng tulong.
Sa ulat ng Straits Times, pinatawan si Cheng ng tatlong linggong pagkakakulong matapos ang pag-amin niya sa korte.
Sa ilalim ng batas ng Singapore, ang sinumang mapatunayang guilty sa public nuisance ay maaaring makulong ng hanggang tatlong buwan o pagmultahin ng hanggang $2,000, o parehong parusa.
Samantala, humingi ng paumanhin ang akusado sa babaeng nadamay, at nangakong hindi na uulitin ang nasabing asal.
Patuloy rin ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na irespeto ang mga pampublikong lugar at sikaping humingi ng tulong kung may kinakaharap na personal na suliranin.