-- ADVERTISEMENT --
Ibinunyag ni alyas “Totoy” na mayroon na siyang P50 milyon patong sa ulo matapos ang naging rebelasyon niya na pagkakasangkot ng negosyanteng si Atong Ang sa mga nawawalang sabungero.
Bukod kay Ang, ilang pulis din umano ang sangkot sa kaso ng mga missing sabungero, na papangalanan din daw niya sa lalong madaling panahon pero ikokonsulta niya muna ang tungkol dito sa kanyang abogado.
Sa mga pulis aniya na sangkot ay mayroong colonel, major at captain.
Sa isang interview , nanawagan siya ng tulong kay Pangulong Bongbong Marcos para bigyan siya ng proteksiyon.
Giit niya, siya ang susi sa lahat ng krimen umanong ginagawa ni Ang
-- ADVERTISEMENT --