-- ADVERTISEMENT --

Maaari nang magbukas ng klase ang halos 95% ng mga paaralan sa Masbate matapos ang naging hagupit ni Bagyong Opong sa lalawigan.

Ayon kay Masbate Schools Division Supt. Raymond Cantonjos, bagamat malaking porsyento na ang posibleng magbukas ng klase ay ilang mga paaralan pa rin ang hirap ipagpatuloy ang face-to-face classes dahil sa pinslaang iniwan ng bagyo.

Paliawanag ni Cantonjos, ilang paaralan pa rin ang magpapatupad ng blended learning o fully modular learning system hanggang sa maisaayos na ang lahat ng mga nasirang mga paaralan.

Bilang tugon naman dito, maari ring magpatupad pansamantala ang mga paaralan sa Masbate ng temporary learning space (TLS) ayon yan sa Department of Education (DepEd).

Samantala, tuloy-tuloy naman ang mga guro at mga otoridad sa Masbate sa paglilinis ng mga paaralan para magamit na ito sa lalong madaling panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Mananatili namang bukas ang himpilan ng DepEd Bicol Region at Schools Divisions Office Masbate Province para sa mga gusting magpahatid ng tulong sa pagsasaayos ng mga eskwelahan sa Masbate.