-- ADVERTISEMENT --

Patay ang nasa pitong mountain climbers matapos ang naganap na avalanche sa Nepal.

Naganap ang insidente malapit sa base camp ng Yalung Ri mountain sa Dolakha district.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng limang dayuhan at dalawang Nepalis.

Mayroong dalawang Italians, isang Canadian, isang German, French national at dalawang Nepalis.

Nakita ng rescuers ang bangkay ng dalawang biktima habang ang lima ay maaring natabunan ng mga makakapal na yelo.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga biktima ay mula sa grupo na nagsimulang umakyat bago naganap ang avalanche.