Kinumpirma ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang namamahala sa paliparan, na nasa “stable condition” na ang pitong indibidwal na nasugatan sa pagbagsak ng kisame sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong Biyernes Santo, Abril 3.
Sa isang statement, sinabi ng pamunuan na agad nirespondehan ng medical team ng NNIC, airport security personnel at Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group ang mga naapektuhang indibidwal.Balitang Pilipinas
Agad na kinordon ang West Arrival Curb C area sa labas ng passenger terminal building ng NAIA Terminal 1 malapit sa food concession outlet.
Ininspeksiyon na rin ng engineering team ng NNIC ang paligid at kinumpirmang ligtas ito para sa normal na operasyon.
Sa ngayon, patuloy ang paggulong ng imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng insidente at masinsinang nakikipag-ugnayan ang pamunuan sa mga awtoridad at tiniyak na gagawa ng kaukulang aksiyon base sa findings.
“We are extending all necessary assistance to those affected. The safety and well-being of passengers, airport workers and visitors remain our top priority, ” pagtitiyak ng NNIC.











