-- ADVERTISEMENT --
Aabot sa 67 na mga Palestino ang nasawi matapos ang ginawang pag-atake ng Israeli military.
Nangyari ang insidente habang nakapila ang mga biktima para kumuha ng pagkain.
Ayon sa United Nations World Food Programme na mayroon silang 25 trucks na convoy at pagdating nila sa Gaza ay doon sila dinumog ng mga tao.
Nagkaroon lamang ng kaguluhan matapos na makatawid ang mga truck mula sa checkpoint ng Israel military.
Depensa naman ng Israel Defense Forces (IDF) na isang warning shot lamang ginawa nila para maalis ang anumang banta.
-- ADVERTISEMENT --
Pinabulaanan ng IDF na direkta nilang pinagbabarili ang mga nakapilang Palestino.
Una ng ibinabala ng UN na dumarami na ang nasasawi dahil sa labis na kagutuman sa Gaza.