Nawawala ang nasa 61 na katao matapos na lumubog ang isang ferry sa sikat na resort sa Bali, Indonesia.
Lumubog ang nasabing ferry kahapon sa Bali Strait habang naglalayag sa sikat na holiday destination mula sa main island ng Java.
Ayon sa Java-based agency, ang manifest ng ferry ay lulan ito ng kabuuang 53 na pasahero at 12 na passenger crew.
Lulan din ng ferry ang 22 sasakyan kabilang ang 14 na trucks.
Idinagdag pa ng agency na may apat na nailigtas kaninang madaling araw.
Sinabi ng agency na patuloy ang ginagawang search and rescue operation ng mga awtoridad sa mga nawawala.
Madalas na nangyayari ang Marine accidents sa Indonesia, isang Southeast Asian archipelago na may nasa 17,000 na mga isla, dahil sa kakulangan sa safety standards.
Matatandaan na noong buwan ng Marso, lumubog ang isang bangka na mayn lulan na 16 katao sa kasagsagan ng masungit na dagat sa Bali, kung saan kabilang sa mga namatay ang isang babaeng Australian at isa ang nasugatan.
Noong 2018, mahigit 150 ang nalunod matapos na lumubog ang isang ferry sa pinakamalalim na mga lawa sa isla ng Sumatra.