-- ADVERTISEMENT --

Inilabas ng Supreme Court (SC) ngayong araw ang resulta ng 2025 Bar Examinations kung saan 5,594 sa 11,425 examinees ang nakapasa, katumbas ng 48.96% passing rate.

Pinangunahan ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng Bar Exams Committee, ang pagbubukas ng mga resulta sa en banc session ng Supreme Court.

Isinagawa ang pagsusulit noong Setyembre 2025 sa iba’t ibang regional testing centers gamit ang digital platform na Examplify, na layong gawing mas accessible at ligtas ang proseso.

Itinuturing itong makasaysayan dahil ito ang may pinakamataas na bilang ng mga kandidato sa kasaysayan ng Bar, na umabot sa higit 11,000 examinees.

Kasabay ng listahan ng mga pumasa, inilabas din ang tala ng mga topnotchers at top performing law schools.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga bagong abogado ay inaasahang sasailalim sa clearance process at opisyal na panunumpa sa mga darating na linggo.