-- ADVERTISEMENT --

Mayroong 55 na contractors na umanoy nagbigay ng campaign donations noong 2022 elections ang iniimbestigahan ng Commission on Elections.

Sinabini Comelec Chairman George Garcia, na hiningi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kumpirmasyon mula sa kanilang Political and Finance Affairs Department ukol sa nasabing iligal na donasyon mula sa mga contractors.

Lumalabas na mayroong tatlong mga contractors ang nauugnay na sa kandidato na ang posisyon ay mas mataas pa sa tumatakbong senador.

Paglilinaw nito na mayroon silang sariling isinasagawang imbestigasyon at hindi sila dumedepende sa pagdinig sa Senado ganun din sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Inihalimbawa pa ng COMELEC chair na dumalo na ang kinatawan ni Lawrence Lubiano ang pangulo ng Centerways Construction and Development Inc. para ipaliwanag ang campaign donation kay Senator Francis Escudero noong 2022 elections.

-- ADVERTISEMENT --

Kanila na ring ipapatawag si Escudero sa mga susunod na araw para magbigay linaw sa nasabing alegasyon.