-- ADVERTISEMENT --

Hindi bababa sa 51 katao ang nasawi matapos tamaan ng airstrike ng Israel ang isang elementary girls’ school sa Minab, sa lalawigan ng Hormozgan sa timog ng Iran, ayon sa ulat ng state media.

Batay sa Iranian state reports, lumampas na sa 40 ang kumpirmadong nasawi sa naturang pag-atake, na itinuturing umanong ”civilian target.”

Bukod dito, iniulat din ng Mehr news agency na dalawa pang estudyante ang nasawi sa hiwalay na Israeli strike na tumama sa isang paaralan sa Tehran.

Sa ulat ng Al Jazeera ang pag-atake sa paaralan ng mga batang babae ay maaari daw magdulot ng mas malaking kontrobersiya sa pambobomba ng Israel at ng U.S.

Nangako din daw si U.S. President Donald Trump ng tulong para sa mamamayan ng Iranian, subalit ang pagtaas ng bilang ng sibilyang nasawi ay maaaring igiit ng pamahalaan ng Iran bilang paglabag sa international law at isang agresyon laban sa kanilang mamamayan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ayon sa Ministry of Health and Medical Education ng Iran, libo-libong sibilyan na ang nasawi o nasugatan kasabay ng pagkasira ng ilang pampublikong imprastraktura sa loob ng 12-araw na digmaan sa pagitan ng Amerika at Israel laban sa Iran noong Hunyo 2025.