-- ADVERTISEMENT --
Natagpuang patay ang isang 48-anyos na magsasaka matapos na hindi makauwi ng tatlong araw sa Purok Malipayon, Barangay Tampalon, Kabankalan City, Negros Occidental.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Captain Sammy Gasataya, Deputy Chief of Police ng Kabankalan City Police Station, kinilala ang biktima na si Estelito Tolomia, na natagpuan ang bangkay nito noong Lunes ng kanyang anak.
Ayon sa ulat, tatlong araw nang hindi umuuwi si Tolomia matapos itong umalis papunta sa kanyang taniman.
Pinaniniwalaang inatake ito ng stroke at nawalan ng malay na siyang posibleng dahilan ng kanyang pagkahulog sa isang malalim na bahagi ng lugar na may tubig, na naging sanhi ng kanyang pagkalunod.