-- ADVERTISEMENT --
Nasa dalawang katao ang nasawi matapos ang pagka-diskaril ng tram sa Milan, Italy.
Basee sa inisyal na imbestigasyon na galing sa Viale Vittorio Veneto ang nasabing tram ng madiskaril ito ay bumangga sa isang gusali.
Dahil sa insidente ay mayroong 40 na iba pang pasahero ang nasugatan.
Isa sa mga nasawi ay 60-anyos na lalaki na tumatawid lamang sa kalsada ng mangyari ang insidente.
Dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.
-- ADVERTISEMENT --











