-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ng Department of Justice na nasa apat na mga indibidwal ang kanilang inaalagaan o binibigyan proteksyon na tetestigo sa International Criminal Court kontra kay former President Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, ang mga ‘witnesses’ na ito ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng kagawaran.

Aniya’y apat pa lamang na ka-tao ang lumapit sa Department of Justice upang humingi ng tulong o asiste sa proteksyon kasabay ng pagtestigo laban sa dating pangulo.

Kaya’t kanya pang sinabi na bukas ng kagawaran sa sinumang nais pang tumayo o lumantad na testigo kaugnay sa naganap na ‘War on Drugs’ ng nagdaang administrasyon.

Ngunit kanyang hinimok ang mga ito na direktang makipag-ugnayan din sa naturang International Tribunal o sa pamamagitan ni dating Senador Antonio Trillanes IV.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala kasunod sa kanyang ibinahaging kumpirmasyon na tatayo bilang testigo si former Philippine Charity Sweepstakes Office general manager at retiradong opisyal ng pulisya na si Royina Garma, naniniwala ang kalihim na mayroon halaga ang ibabahagi nitong testimonya.

Sa pagiging isa sa mga dating nasa mataas na posisyon makatutulong umano aniya ito sa pagtestigo ni Garma hinggil sa mga nalalaman ukol sa implementasyon ng drug war.

Habang sa pagtatanong naman ng Bombo Radyo kung kabilang si Royina Garma sa kanyang nabanggit na bilang ng mga testigo, aniya’y kabilang naman na ito sa listahan.