-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang direktang maaapektuhan ng bagyong Tino ang hanggang 39 na probinsya sa malaking bahagi ng bansa.

Batay sa impormasyong inilabas ng Department of the Interior and Local Government – Central Office Disaster Information Coordinating Center (DILG-CODIX), ang mga naturang probinsya ay inaasahang makakaranas ng sunud-sunod na pag-ulan at malalakas na bugso ng hangin na dala ng nasabing bagyo.

Kabilang sa mga probinsyang ito ang mga sumusunod:

🔴 Alert Level Charlie (Red): Aklan, Antique, Bohol, Capiz, Cebu, Dinagat Islands, Eastern Samar, Guimaras, Iloilo, Leyte, Negros Occidental, Negros Oriental, Palawan, Samar, Southern Leyte, at Surigao del Norte. Ang mga nabanggit na probinsya ay nasa loob ng 120-kilometrong diameter ng bagyo.

🟠 Alert Level Bravo (Orange): Agusan del Norte, Biliran, Masbate, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, at Surigao del Sur.

-- ADVERTISEMENT --

🟡 Alert Level Alpha (Yellow): Ito ay mga probinsyang nasa loob ng 550-kilometrong diameter ng bagyo: Agusan del Sur, Albay, Batangas, Bukidnon, Camarines Sur, Camiguin, Cavite, Laguna, Marinduque, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Northern Samar, Quezon, Siquijor, Sorsogon, at Zamboanga del Norte.