-- ADVERTISEMENT --

Aabot sa 32 katao ang nasawi matapos na nabagsakan ng crane ang isang tren sa north-eastern Thailand.

Nadiskaril at nawasak ang ilang carriages bago nasunog ang tren ng bumagsak ang construction crane.

Mayroong mahigit 170 na pasahero ang nakasakay sa tren noong nangyari ang insidente.

Naglunsad ng imbestigasyon ang State Railway of Thailand kung saan tiniyak nila na papanagutin ang construction company na responsable sa aksidente.

Galing sa Bangkok ang tren at patungo sana ito sa Ubon Ratchathani ng maganap ang aksidente.

-- ADVERTISEMENT --