-- ADVERTISEMENT --

Napaslang umano sa pamamaril ng Isareli forces ang nasa 30 Palestinians habang nagaantay ng humanitarian aid sa northern Gaza base sa civil defense ministry na pinapatakbo ng Hamas.

Ayon sa tagapagsalita ng Gaza civil defense, nasugatan din ang 300 iba pang indibidwal sa pamamaril ng Israeli forces.

Subalit sa panig ng Israeli Defense Forces (IDF), nagpaputok lang aniya ang kanilang pwersa ng warning shots matapos na magkumpulan ang mga Palestinan sa aid trucks na tatlong kilometro mula sa Zikim crossing.

Blangko aniya sila kung may nasawi mula pinakawalang paputok ng IDF.

Ipinaliwanag din ng IDF na ang pagtitipon ng tinawag nilang mga suspek ay banta sa kanilang mga tropa kayat sinabihan ang mga ito na lumayo at nagpaputok kalaunan ng warning shots mula sa distansiya na daan-daang metro ang layo mula sa distribution centre.

-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi din ng Isarel ang pagpapatupad ng restriksiyon sa mga ayudang pumapasok sa Gaza, taliwas sa claims ng European Union at United Nation.

Subalit ayon sa director ng al-Shifa Hospital sa Gaza City na si Mohammed Abu Salmiya, nakatanggap ang kanilang pasilidad ng 35 katawan kasunod ng insidente.

Kalaunan, kinumpirma nito na binawian ng buhay ang 48 Palestinians.

Sa datos ng Hamas health ministry, sumampa na sa mahigit 60,000 Palestinians ang napaslang sa pag-atake ng Israel sa Gaza simula noong Oktubre 7, 2023 kabilang ang mahigit 18,000 na mga bata at mahigit 9,000 kababaihan.