Mga kabombo! Sabi nga nila, mahirap talagang baguhin ang nakasanayan.
Ito rin ang pinatunayan ng tatlong madre sa Australia.
Paano ba naman kasi, nagawang tumakas ng tatlong madre mula sa kanilang retirement home at bumalik sa kanilang dating kumbento.
Ang mga madre, kasi ay retired na at ang kumbento ay kanilang naging tahanan sa loob ng mahigit anim na dekada.
Sina Sister Bernadette, 88; Sister Regina, 86; at Sister Rita, 82, ang huling tatlong madre sa naturang kumbento.
Base sa ulat, ito ang nagsilbing tahanan at lugar kung saan sila naging guro dahil isa rin itong pribadong paaralan para sa mga kababaihan mula pa noong 1877.
Hanggang sa napilitan silang palipatin sa isang Catholic care home noong December 2023, matapos mag-take over ang Archdiocese of Salzburg at ÂReichersberg Abbey sa gusali noong 2022.
Iginiit ni Sister Bernadette na binigyan sila ng karapatang manatili sa kumbento hanggang sa kanilang kamatayan, ngunit ito raw ay hindi tinupad.
Ayon kay Sister Rita, palagi siyang nalulungkot sa retirement home at labis ang kanyang kagalakan na nakauwi na sila.
Mariing tinututulan ni Provost Markus Grasl ng Reichersberg Abbey, superior ng mga madre, ang kanilang pagbabalik.
Sa kabila ng pagtutol ng simbahan, nananatili ang tatlong madre sa kumbento. Bahagyang naibalik na ang kuryente at tubig, at dinadalhan sila ng pagkain at pangangailangan ng kanilang mga tagasuporta, kabilang ang kanilang dating estudyante.
Nagtungo na rin ang mga doktor upang tingnan ang kanilang kalagayan.