-- ADVERTISEMENT --
Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nakalabas ng bansa ang tatlo sa sampung air assets na konektado kay resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Ayon kay CAAP Director General Raul Del Rosario, unang lumipad palabas ng bansa ang isang helicopter noong Agosto 20.
Sinundan ito ng Gulfstream 350 noong Agosto 16 at isa pang helicopter noong Setyembre 11.
Batay sa tala ng CAAP, nagtungo sa Singapore ang Gulfstream jet, habang sa Kota Kinabalu, Malaysia dinala ang dalawang helicopter.
Wala pa namang pahayag hinggil sa usaping ito ang kampo ni Co o sinumang kaanak nito.
-- ADVERTISEMENT --










