-- ADVERTISEMENT --

Inanunsiyo na ng organizers ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) ang second batch ng mga pelikulang kahalok ng nasabing film festival.

Kinabibilangan ito ng romance film na “I’m Perfect” na gawa ni Sigrid Andrea Bernardo at pinagbibidahan nina Kristel Go, Earl Amaba, Lorna Tolentino, Janice de Belen, Tonton Gutierrez, Joey Marquez, at Zaijan Jaranilla.

Pangalawa dito ang drama film na “UnMarry” na gawa ng director na si Jeffrey Jeturan at pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, Solenn Heussaff, Donna Cariaga, Sharmaine Buencamino, Jervi Wrightson, Adrienne Vergara, Tom Rodriguez, Nico Antonio at Zack Sibug.

Kabilang din ang drama-comedy na “Bar Boys: After School” na gawa ng director na si Kip Oebanda at bida naman sa pelikula sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Odette Khan, Sassa Gurl, Therese Malvar, Glaiza de Castro, Klarisse de Guzman, Will Ashley at Benedix Ramos.

Ang Huli ay ang romance film na “Love You So Bad” na gawa ng director na si Mae Cruz Alviar at pinagbibidahan nina Bianca de Vera, Will Ashley, Dustin Yu, Xyriel Manabat, Nour Hooshmand at Ralph de Leon.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nasabing mga pelikula ay kasama ng unang batch na inanunsiyo sa kabuuang 23 na mga isinumiteng scripts na kinabibilangan ng “Call Me Mother” na ang bida ay sina Vice Ganda at Nadine Lustre; “Rekonek” na ang bida ay sina Carmina Villaroel, Gerald Anderson at Zoren Legazpi; “Manila’s Finest” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at ang huli ay ang “Shake Rattle and Roll: Evil Origins” na pinagbibidahan nina Ivana Alawi, Fyang Smith,Ashley Ortega, Elijah Alejo, Carla Abellana, Manilyn Reynes, Janice de Belen, Francine Diaz, Kaila Estrada, Richard Gutierrez, Seth Fedelin, Ryan Bang, JM Ibarra, Dustin Yu na gawa ng director na si Shugo Praico, Joey de Guzman,Ian Lorenos.

Gaganapin ang Parade of Stars sa Disyembre 19 sa lungsod ng Makati at ipapalabas ang pelikula sa Disyembre 25 habang ang Gabi ng Parangal ay sa Disyembre 27.