Napanatili ng bagyong Crising ang lakas nito habang tinatahak ang karagatan ng bahagi ng Baler, Aurora.
Base sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) , nakita ang sentro ng bagyo sa may 460 kilometers ng silangan ng Baler, Aurora na may taglay na lakas na hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.
May bilis ito ng hanggang 15 kph na binabagtas ang hilagang-kanluran ng bansa.
Inaasahan na mag-landfall ang bagyo sa mainland Cagayan o Babuyan Island sa hapon ng Biyernes Hulyo 18.
Itinaas naman sa signal number 1 ang 21 lugar sa bansa.
Kinabibilangan ito ng Abra, Apayao, Isabela, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Quirino; Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora sa Aurora.
Kasama rin ang Nueva Vizcaya; San Nicolas, Natividad, San Quintin, San Manuel, Tayug, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Laoac, Binalonan, San Jacinto, Manaoag, Mangaldan, Dagupan City, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, Bugallon sa lalawigan ng Pangasinan; Carranglan at Pantabangan sa northern portion ng Nueva Ecija; Polilio Islands, Camarines Norte; Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Presentacion, Tinambac, Sirum, Goa sa Camarines Sur; Catanduanes.
Inaasahan na makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa hapon o gabi ng Sabado, Hulyo 19.