-- ADVERTISEMENT --

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang House Bill (HB) No. 4058 o panukalang P6.793 trillion national budget para sa 2026.

Isinagawa ang pag-apruba ng panukalang batas sa pamamagitan viva voce o voice voting sa plenaryo nitong Biyernes, Oktubre 10.

Ilan sa mga pagbabao ay ang panukalang pagbabawas ng budget ng Office of the Vice President sa 2026 ng P902.8 milyon.

Isinulong ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima na gawing P733-M ang budget ng OVP kaparehas nito ngayong taon.

Ang hakbang na ito ni De Lima ay kasunod ng hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng kaniyang budget.

-- ADVERTISEMENT --

Nakatakda naman sa araw ng Lunes, Oktubre 13 isasagawa ng House of Representatives ang ikatlo at panghuling pagbasa ng 2026 nationa budget bago ang kanilang isang buwang session break.