-- ADVERTISEMENT --

Naitala ang dalawang kaso ng umano’y suicide sa Lapu-Lapu City sa unang araw ng taon, Enero 1.

Batay sa ulat ng Lapu-lapu City Police Office (LCPO), nangyari ang unang insidente kaninang ala 1:20 ng madaling araw sa Pakpakan Brgy. Basak ng lungsod.

Nakilala ang biktima na si alyas Keloy.

Sa imbestigasyon, may nakakita pa sa biktima nakabitin sa loob ng kwarto nito.

Agad isinugod sa pagamutan ang 33 anyos ngunit hindi na nailigtas pa ng mga doktor.

Ayon pa, nalulungkot ito dahil hindi nakasama ang kanyang asawa at mga anak sa pagsalubong ng Bagong Taon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sa hiwalay na insidente, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng pagkitil sa buhay ng isang 21 anyos na lalaki sa Brgy. Pajo ng naturang lungsod.

Natagpuan nalang ang biktimang si alyas “Renren” ng kanyang brother-in-law na nakabitin na sa kisame gamit ang isang nylon rope.

Sinuri pa ng mga doktor ang vital signs nito ngunit idineklara ding nasa rigor mortis na.