GENERAL SANTOS CITY – Dalawa ang patay, tatlo ang sugatan matapos na tinamaan ng kidlat sa Sitio Lambugad, Brgy Tamban, Malungon, Sarangani province nitong Lunes ng hapon.
Ayon sa ilang mga residente sa lugar, alas-2:00 kaninang hapon nang umulan ng malakas at biglang tumama ang naturang kidlat sa billiard table kung saan naglalaro ang mga biktima, dahilan upang tumilapon ang mga ito.
Umuusok pa nang isinugod sa Malungon Municipal Hospital ang mga biktima, kung saan kaagad na binawian ng buhay sina Edgar Kong at Ariel Diagan na pawang mga residente sa lugar.
Habang kasalukuyang ginagamot sa naturang ospital sina Kinte Kapitan, 21, sumama ang umano ang pakiramdam, at Benjon Pandamon, 15, na nakaranas ng hearing loss makaraan ang insidente, habang ang isang Abnel Bansil naman ay kaagad na na-discharge sa ospital.