-- ADVERTISEMENT --

Dalawa pang Pilipinong mountaineer ang nakarating sa tuktok ng Mt. Everest nitong Linggo, Mayo 18.


Ang tagumpay na ito nina Jeno Panganiban at Miguel Mapalad ay ilang araw lamang matapos makumpleto ni Ric Rabe ang misyon na makarating sa tuktok ng pinakamataas na bundok sa mundo.


Kasunod din ito ng pagpanaw noong Mayo 14 ng Filipino hiker na si Philip Santiago habang naghahanda para sa kanyang huling pagtulak sa summit mula sa Camp 4.


Sa Facebook post, ibinahagi ng Seven Summit Treks ang ilang larawan ng Philippine duo na tagumpay na naakyat ang Mt. Everest nitong umaga.


Sina Panganiban at Mapalad ay mga miyembro ng Philippine 14 Peaks Expedition Team at bahagi ng Seven Summit Treks expedition team

-- ADVERTISEMENT --