-- ADVERTISEMENT --

Kulong sa Senado ang dalawang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at isang broker matapos magsinungaling sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture tungkol sa agricultural smuggling.

Ang mga na-contempt ay sina Andrew Calixihan, Customs Deputy Collector for Assessment sa Port of Sublic at kasamahan niya na si Mary Anabelle Gubaton, Customs Operations Officer III, at ang broker na si Erwin Pascual, owner ng EPCB Consumer Goods Training.

Sa pagdinig, sinabi ni Senador Francis Pangilinan, chairman ng komite, na nagsinungaling si Calixihan tungkol sa tatlong truck ng produkto mula sa Subic noong gabi ng Hunyo 27 na idineklarang chicken popers pero ang tunay na laman ay frozen mackerel at sibuyas.

Iginiit ni Calixihan na dadalhin ang mga produkto sa Berches Warehouse pero sabi ng Berches, wala silang warehouse.

Na-contempt naman si Gubaton dahil isa lamang ang na-underguard niyang containers na nailabas sa port ng walang documentation.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit sa testimonya ng mga driver ng truck, wala silang naktiang taga-Custom noong inilabas nila ang mga container.

Samantala, nakita naman ni Pangilinan na nagsinungaling si Pascual sa kanyang testimonya na tinuruan lang sa negosyo ang pamangkin na food delivery rider kay inilistang broker.