-- ADVERTISEMENT --
Nasa dalawang katao ang nasawi matapos ang naganap na pagsabog sa isang military barracks sa Bolivia.
Ayon kay Bolivian Defence Minister Ernesto Justiniano na mayroong 81 katao rin ang nasugatan sa nasabing insidente at mayroong pitong iba pa ang nawawala.
Ilang kabahayan at gusali sa Viacha ang nagtamo ng matinding pinsala dahil sa nasabing pagsabog.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si BolivianPresident Rodrigo Paz sa mga kaanak ng mga nasawing biktima.
Patuloy ang ginagawang imbesitasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.
-- ADVERTISEMENT --











