Nagbitiw ang dalawang judges ng Miss Universe pageant.
Unang nagbitiw si Lebanese-French musician Omar Harfouch kung saan inakusahan niya ang “impromptu jury” ay mayroong ng pre-selected finalist bago ang kumpetisyon na gaganapin sa Thailand.
Matapos ang ilang oras ay sumunod naman na nagbitiw si French football manager Claude Makélélé na hindi na nagbigay ng naumang dahilan.
Ang nasabing pagbibitiw ng mga judges ay kasunod ng dalawang linggo matapos na ilang Miss Universe contestants ang nag-walked out sa pre-pageant matapos ang kontrobersyal comments mula sa opisyal ng host country na Thailand.
Binatikos kasi ni Thailand director Nawat Itsaragrisil si Miss Mexico contestant Fatima Bosch dahil sa hindi nito ipinopromote ang pageant sa kaniyang social media account.
Itinanggi naman ng Miss Universe Organization ang alegasyon na ito ni Harfouch at sinabing hindi lamang naintindihan nito ang programa na Beyond the Crown selection committee nitong Lunes.











